Thank You – A Birthday Special :-D

Words of warning: This is just some birthday emo-ness. :-D Since this is for my birthday, pagbigyan nyo na ako. Actually, it’s more of thanking everyone who were part of my 26 years of existence. :)

First of all, I would like to thank the Lord for sending me to Earth. I know that there are many planets out there that need angels. So, thank You for choosing Earth for me. :-D Also, thank You for giving me very supportive parents. :-) If you ever feel that it’s time for You to get me back, please inform me ahead of time so I can say goodbye to everyone. Demanding ang peg? :-)

Second, I’d like to thank my Papa and Mama for choosing to have only me. Chos! :) I’d like to thank you for everything that you did and sacrificed for me. Sorry for the times that I betrayed your trust and for being so independent. I know that there are times that you need to feel needed. Thanks for always understanding my eccentricities. :-) Thank you for listening whenever I feel the need to share my feelings when I’m sad, I’m happy, and I’m kinikilig. Yikee! :-D Thank you for everything. I love you so much! :-*

To all the men I loved (Yown! Haha!), liked, crushed (anu daw? Hahaha!), I thank you for loving me and hurting me. Those heartaches made me stronger and a little wiser. (Naks!) And you, yes, you! Nice one there! You surprised me with your choices. Gaah!! Bleh! Hmp!

To my shamecrush (yihee!), you’ve been my SC for quite a while. Just let me ‘follow’ that 3-month rule and seseryosohin ko yang crush ko sa’yo. Hahaha! No, don’t get me wrong. I won’t pursue you. I’ll just make you like me. Yihee! (Ang landi lang. :D)

To all my friends who became just acquaintances, though I am sad that things happened, I am still happy that you were a part of my life. Thanks for the stories you shared, for your advices, for the love and for everything. Know that whatever happened, you can still count on me. After all, you were once a big part of my life. Thank you and see you around. :-)

To all acquaintances who became my friends, yey! Hahaha! Thanks for opening yourselves to me, for trusting me with your issues/problems, for sharing your happy and sad moments. :-) I may not be a perfect friend but I’ll do what I can to make our friendship lasts. If you think that it’s time for me to let you go, don’t worry. However painful that will be, I’ll let you go. :-)

For all the friends who are still there, thank you!! :-D Thank you for staying in spite of my shortcomings, for understanding my mood swings, for listening to my irritating voice, for everything! Thanks for joining me in my travels, in my trainings, in my competitions, in my hiking/trekking, in my running, in everything. Yay! :-*

To my teachers, professors, advisers, mentors, thank you for being so patient with me. Thank you for your continuous support, for your advices, for being proud of me even when I did nothing so worthy of such.

To all my fans, followers, and the likes (feeling celebrity? :-D), salamat. Salamat sa pagtityagang suportahan ako. Haha! Wala ako masabi eh. Haha!

To my detractors (wow! feeling celebrity lang talaga? haha!), bahala kayo sa buhay nyo! Mga insecure na froglets! Bleh! Pero thank you dahil nadadagdagan ang spices sa aking life dahil sa pang-ookray nyo. :-D

Ayun lang, parang hindi lang ako busy. :-D Salamat ulit! Sa uulitin! :-p

Posted in Kahit Ano Lang | Tagged , , , , , | Leave a comment

Hell Week

Hell Week – ang time kung saan tadtad ng requirements/exams ng subjects nila ang mga estudyante; pwede ding requirements from the orgainzations kung saan sila nag-aapply.. Lahat ng colleges/universities meron nyan, iba-iba nga lang yung intensity at frequency..

May isang kaibigang nagtanong sa akin dati kung anu daw ang pakiramdam ng mga estudyante pag Hell Week sa UP. Sabi ko non, “dude, di kaya ng words i-explain ang Hell Week dun..” Sa UP kasi, di uso yung mga prelims at midterms (at least for most of the major subjects). Meron lang kaming mga long exams at very long exams, saka long quizzes. Akalain mo, iba pa yung long exam sa long quiz. Anlabo, diba? :D Pero meron kaming final exams. So, possible na hell week mo every week (napakamalas mo naman!) lalo na kung madami ka ring extra curricular activities.

So anung meron pag Hell Week sa UP??? Note that this may also be applicable sa ibang universities. Tulad ng sinabi ko, hindi lang sa UP uso ang hell week. :)

1. Madaming zombies!!! Naglipana sila sa lahat ng sulok ng UP. Magtago ka na! Dahil wala silang sinasanto! Bawal silang kausapin, biruin, at kung anu-ano pa. Mag-ingat ka pag may makakasalubong kang mga ganyan! Ano itsura nila? Edi mukhang zombie! :D Mga nanlalalim ang mata, namumula pa. Puyat kasi. They don’t smile, poker face lang. O kaya, game face. Yung tipong handang manakit para lang makapasa sa exam. They don’t talk to anyone but themselves. :D If you try talking to them, good luck sa’yo. Snob sila sa ganyang mga panahon. They walk like there’s no tomorrow. Sobrang nagmamadali. Naghahabol kasi ng deadline ng papers. :D If you can look closely, they have blisters on their fingers – kaka-type ng paper. :D And, don’t try smelling them. Jusme! :D Yan yung pagkagising, magtu-toothbrush lang, konting ayos ng buhok, okay na, diretso na sa klase. Madalas, mga dormers ang ganyan. :D

1.1 Out-of-this-world students. “yan naman yung mga students na nag-aapply sa mga organizations or nag-a-undergo ng “training” sa isang dormitory. Pag mga ganitong panahon, marami kang makikitang students na “kakaiba” yung mga suot. Merong butterfly, may mermaid (promise, meron! nakakalakad pala sila!), may batman, superman, caterpillar, may eagle, at kung anu-ano pa. Akala mo, nasa ibang dimensyon ka na ng mundo eh! Tapos meron pang naka-bathrobe with matching timba at tabo. O diba, naman? Pumapasok ang mga yan sa klase na ganun ang mga porma. Walang hiya-hiya! Sanay na sanay ang mga tao dito na maka-encounter ng ganun. Wala sila pakels. :D (Walang basagan ng trip, ikanga. :))

2. Library na parang palengke. During Hell Week, feeling mo ghost town yung tambayan. Lahat ng tao nasa library. Nagkukunwaring busy sa pag-aaral pero yung iba, mga tulog lang talaga. :D Napaka-ingay sa maliit na discussion room. Feeling mo, the ideas from the students are coming out of their brains. Pero pag sanay kang mag-aral mag-isa, andun ka sa isang sulok ng library, may sarili kang cubicle tapos naka-headset ka pa. ‘Yang yung madadamot na students. :D Ayaw i-share ang kanilang nalalaman kasi baka mas mataasan sila sa exam nung tuturuan nila. :D

3. Fast food chains na madaming mga tao pero walang masyadong kinikita. :D Dahil may closing time ang library, lumilipat ang karamihang estudyante sa McDo, Jollibee, Starbucks (kung gusto mo sosy ang dating), etc. Ang siste, may 5 magkaklase ang papasok sa kainan pero isa lang oorder sa kanila. :D Tapos hanggang forever na sila dun. Hindi pa nila ipapaligpit yung pinagkainan para kunyari may order pa rin sila. :D

4. Boarding houses/apartments na parang evacuation center sa dami ng tao. Dahil sanay ang karamihan sa group study, madalas na nakikitambay sila sa bahay ng isang kaibigan para dun mag-aral at magdiskusyon. Mas komportable kasi kaysa sa library or fast food chain or sa tambayan. :)Karamihan ng estudyante, mga isang linggong hindi uuwi ng bahay at sa kung kani-kaninong bahay nakikitulog. Kasi nga, nag-rereview. :) Andyan din yung may mga apartment na for boys (girls) only – kahit bisita lang, bawal opposite sex – pero marami kang makikitang babae (lalake). :D Pano nakakapuslit/nakakatago yung mga yun? Those are trade secrets. :D Can’t be told, baka merong makabasang kinauukulan. :D

5. Magulong faculty room. :) Magulo as in MAGULO. Madaming tambak na papers sa mga desks ng prof mo kasi madami pa silang iche-check na papers/exams. Sa mga panahong din ito, bawal makipagtawaran sa teacher ng deadline for submissions of whatever it is that you have to submit. Hinding hindi ka nila pagbibigyan. :D Busy kaya sila, they don’t have time for your whines. :D

May i-share lang ako. Isang pinakamatinding hell week na naranasan ko ay nung 4th year college. I had four exams in one day – three final exams and one long exam. Biro mo nagkasya yung apat na subjects sa isang araw?? Yun talaga yung tipong ihi na lang yung pahinga mo. GRABE! Words are not enough to explain what I felt during those times. Tapos your teachers would just say, “welcome to UP” pag nagreklamo ka na sabay-sabay yung exams mo, na pwede bang ilipat na lang ng schedule yung exam. Ayos!

Basta! Yun na yun! Ganyan pag hell week. Para ka talagang nasa impyerno tapos sisihin mo pa ang sarili mo o yung parents mo kung bakit sa UP ka pa nag-aral. Sabi naman sa’yo eh, madaling makapasok sa UP, mahirap makalabas. (Tingnan mo nga ako, hanggang ngayon andito pa! :D)

Posted in Kahit Ano Lang | 2 Comments

Dear UPCAT Taker

Kumusta naman ang pakiramdam mo? Feeling ko, sa mga oras na ‘to ay tulog ka na or nagmumuni-muni.. O kaya nag-rerecall ng mga inaral mo for the exam.. :) Feeling ko din, nae-excite ka na kinakabahan.. Sa loob-loob mo siguro, “This is it! I’ll do my best!” May mga pep talk ka pang nalalaman para sa sarili mo. Para ka ng baliw sa kakakausap sa sarili mo para lang palakasin ang iyong loob. Pwede namang yung parents mo mag-pep talk sa’yo. :D Nariyan din na nakahiga ka na pero babangon ka ulit kasi may titingnan kang notes sa reviewer mo. O kaya, paulit-ulit mong ichecheck kung kumpleto na ba yung mga dadalhin mo bukas or sa Linggo. Kakaiba yung feeling, diba? Biro mo, you’re one step closer to fulfilling your dreams! Naks naman! :D

Konti lang ang naglalakas-loob na mag-take ng UPCAT. Di ko alam kung bakit. Yung iba, nawawalan agad ng pag-asa eh hindi pa nga sinusubukan. Hindi naman daw sila papasa dun, etc.. Anlabo, diba? ‘Di ba nila alam kung ano ang mga pwedeng mangyari kapag nakapasok sila sa UP?? (Well, baka alam nila kaya they didn’t try na.. :D)

Oh well, eto lang ang ilan sa mga pwede kong maibahagi sa iyo:

1. Matrapik. SOBRA. Kaya kung magpapahatid ka at may sasakyan kayo, wag ka nang mag-expect na maihahatid/maibababa ka sa tapat mismo ng building mo. Lakarin mo na lang. Mas mabilis pa. Saka hassle kaya! Biro mo, you are only given 10 seconds para makababa sa sasakyan? C’mon! Eh, may pep talk pang gagawin yung parents mo sa’yo eh! So, kulang ang 10 seconds. Kung commuter ka, umalis ka ng sobrang aga. Yung tipong, maglalaan ka ng 30 mins-1 hour para lakarin yung building na pupuntahan mo. :D

2. Please lang. WAG MONG ISAMA ANG BUONG BARANGAY. Jusme! Dagdag pa sa trapik yan. Di ka pa nga nakakapasa eh. Mag-eexam ka pa lang po, ano!

3. Magdala ka ng madaming pagkain. Sa loob ng limang oras, andun ka lang sa loob ng testing chamber, este room pala. Bawal lumabas. Pero wag naman yung tipong may kanin, ulam, at may dessert ka pa.. :D Yung tamang pwedeng nguyain habang nag-eexam ka. Yung hindi messy. Pwede na biscuits or boy bawang. O kaya, peanuts! Brain food yun eh, kelangan yun. :D Don’t worry, maraming pagkain paglabas mo ng building, may mga nagtitinda sa tabi-tabi. :) Hmm.. Wag din pala yung maingay pag nginunguya. Baka makaistorbo ka sa iba. :)

4. Mag-CR ka na bago magsimula ang exam. Bakit? Bawal nga lumabas pag nasa loob ka na ng room. Saka sayang sa oras pag lalabas ka pa ng room.

5. Magdala ka ng jacket, baka aircon pala yung room mo. Ang lakas ng aircon sa UP, pramis! Saka payong na rin, baka may bagyo pala ng weekend. Mabuti na yung handa. :)

6. SHADE PROPERLY and WISELY. Right-minus-wrong po ang UPCAT. So, mas maigi nang manghula ka kesa wala kang isasagot. Kasi kung blanko yan, edi ibig sabihin, mali din yung sagot mo. :) Malay mo, tama pa pala yung hula mo diba? Merong tinatawag na intelligent guess, gamitin mo yun pag kelangan mo. :D Importanteng madami kang masagutang tama. So, sagutan mo na agad yung mga kaya mong sagutan.

7. Wag kang masyadong aasa. At wag din naman yung tipong para ka nang nawalan ng pag-asa. Yung tama lang. Di ko kayang i-explain kung pano mo gagawin yun… (Seriously, kaunti lang ang pinapalad sa UPCAT. As in KAUNTI lang talaga. Mga 20%? So, just imagine..) Basta wag masyado mag-expect. Ganun naman palagi eh, lahat ng sobra, masama. So, chill ka lang. :)

So, there.. :) (Wala na akong ibang maisip, eh)

Good luck sa’yo! At God bless! :) Yakang-yaka ‘yan! :)

Dating UPCAT taker,

DEC

Posted in Kahit Ano Lang | Leave a comment

Where on Earth??? Ay Philippines pala.. :)


Posted in Lakwatsa | Leave a comment

Realizations..

Sa mga nakaraang araw, eto ang ilan sa mga napagnilayan ko:

1. Hindi lahat ng nagtapos na Summa ay may common sense..

2. So, pwede kong sabihin na ang common sense ay hindi talaga common..

3. Hindi lahat ng graduate ng Philosophy ay logical mag-isip..

4. Pag nagkamali ako, I can blame anyone.. Sisikat pa ako..

5. Pag nasuspend ang klase at work, suspended din ang pagbuhos ng ulan.. (consistent sya ha)

6. Minsan, ang nagiging papel na lang ng malakas na ulan/bagyo ay mag-grant ng wish ng mga estudyante.. pag na-grant na, aalis na sya.. :)

..saka na yung iba.. :)

Posted in Uncategorized | Leave a comment

Ang Pagtakbo sa Skyway

Sa kauna-unahang pagkakataon, nakadaan ako sa Skyway.. At hindi ako nakasakay sa bus nun, ha! ^_^

Napakasarap ng feeling (o baka naman masyado lang akong excited na tumakbo dun). Akalin mo ba namang ang first time kong pagdaan dun ay on foot. O diba? Saya lang eh! :-)

Hindi madaling tumakbo ng mas malayo kaysa sa usual na tinatakbo mo.. Nakakabore kaya! Nung nagtetrain ako para  Condura Skyway Marathon, hindi ako nakatakbo man lang ng 15km, hanggang 12km lang ang natakbo ko. Nakakasawa din palang tumakbo sa UP. :-D Kaya naman medyo kabado nung dumating na ang race day. Naisip ko na lang, pwede namang maglakad pag di na kaya (Hahaha!). Mahirap ding mag-train araw-araw, nauubusan ako nang damit, eh! ;-) Kaya minsan, thrice a week na lang. Pero keri naman so okay lang.. ^_^

yay! excited na mga tao!
bago ang lahat..

Anyway, dapat pala tungkol ‘to sa Condura run.. ^_^ Well, wala akong kasamang friend na tumakbo nun. I mean, may mga friends akong tatakbo pero iba-iba kami ng distances, eh. Nakita ko na lang sila nung malapit na kami sa finish line. Okay na din siguro yung wala kang kasabay na tumakbo. Minsan kasi, mahirap mag-isip kung okay lang ba silang iwanan mo or ikaw yung iwanan or kelangan talaga sabay kayong tumatakbo. Saka hindi ka rin masyado pressured ( yeah, napepressure ako pag may kasabay akong tumatakbo na friend.. di ko alam kung bakit.. :-/). Tapos, I can listen pa to my favorite songs in my ipod (Oha? Parang ang konyo ng last sentence ko, eh..)

Hindi naman sa pagmamayabang no? Pero swabe lang talaga yung takbo ko. Ang saya-saya ko nung matapos,eh. Sabi nga di ba, “have fun”? Kaya tinodo ko naman yung pagsasaya (oo, todo yun, nagawa ko pang sumayaw habang tumatakbo, eh.. hahaha!) Biruin mo, may energy pa akong pumila sa halos lahat  ng booths para makahingi ng freebies? Hahaha! Yun kaya ang mga motivations ko para marating ang finish line (lalo na yung libreng ice cream.. hehehe!). I enjoyed the run. Sobra! Naka-meet ng new friends tapos may mga nakikipag-appear pa sa’yo. Lahat ng tao were in a exuberant joy, eh! ^_^ Ang saya lang pumalakpak at i-cheer nung mga tao. Ü Lahat ng factors na yan ay nakakaapekto sa pagtakbo mo. Nakakagaan ng feeling yung ganun. Ta’s well-organized yung event (well, at least in my opinion.. kung iba opinion mo eh gumawa ka ng sarili mong  blog para dun, wag mo i-spoil ang mood ng blog ko..  :-/).Ang daming water stations ta’s may portalet pa sa Skyway (yun yun eh!). Oha, san ka pa? ^__^

dora the dolphin ;-)
freebies!!! :-D

Wait! Medyo nagkaproblema rin pala ako nung tumatakbo na. Sumakit kasi yung kanang tagiliran ko at first time mangyari yun (madalas kasi yung sa left side at alam ko naman kung bakit yun sumsakit). KInabahan naman ako, inisip ko baka kung ano na ‘yun. At ganitotalaga yung mga pumasok sa isip ko nung maramdaman ko yun (in chronological order ;-)):

  • shit! bakit?! anung nangayayari?
  • wait lang! kanang side ‘to ah.. appendix ko na ba yung sumasakit???
  • babagalan ko na lang.. (so, binagalan ko nga pero masakit talaga)
  • hala ka! baka sumabog ang appendix ko! oh no!
  • lalakad na lang ako, di naman masamang maglakad (at naglakad na nga ako)

Eventually, after about 500 meters of walking, sinimulan ko uling tumakbo (nagsubside naman yung sakit kasi). Kaso, hindi pa ako nakakatakbo ng isang kilometro, eh sumakit na naman sya. This time, I refused to be stopped! (Naks! Me ganun pa.. :-D) Sabi ko sa sarili ko, “bagalan mo na lang, mawawala rin yan.” Kaso lalong sumakit nung binagalan ko so binilisan ko na lang lalo.. Ayun! Maya-maya, wala na din ulit yung pain. I just maintained my pace hanggang sa umabot sa 10th km marker. After nun, naging maayos na ang pagtakbo ko, wala ng pain or whatever. I was having fun na lang hanggang sa isa-isa kong makita ang mga friends kong tumakbo din. ^_^

rest rest na muna..
napagod sila.. :-D

So yun nga, masaya naman ako nung Sunday.. Walang “after shock” na pains.. Hahaha!  Hindi siguro ako kinulang sa stretching at sa training na din.. Masaya! Try nyo next year. ^_^ Mahal nga lang registration.. Well, kaya naman sigurong pag-ipunan yun.. :-)

O s’ya! See you sa next Condura Skyway (sana pagbigyan pa) Marathon! :-D

sariling sikap sa pagkuha ng pic
nakanganga na dahil sa pagod.. :-D
yey! so proud naman ako.. hihi! :-D
Posted in Takbo | Tagged | 1 Comment

Inlove ka?

(Pinag-isipan ko talaga kung sa Ingles o sa Tagalog ko ito isusulat. Pero dahil ako ay isang Filipino, Taglish na lang. :-D Pinag-isipan ko din yung pamagat pero dahil napagod na akong mag-isip dahil sa nangyari kagabi so ganyan na lang yan.)

Nais kong linawin na ang blog na ito ay hindi isang pagtuligsa sa mga umiibig, sa may mga asawa/syota/syota-syotaan/kinakasama, o sa may mga significant others (pwede ring insignificant). Ang nais lamang nito ay magtanong (o isulat ang mga opinyon/haka-haka/tanong na nasa aking isipan)  at sana ay mabigyang linaw ang mga bagay-bagay na hindi nga malinaw. At oo, isa nga akong single pero ano naman ang pakiaalam mo sa relationship status ko? Kung iniisip mong maaring maging bias ang nakasulat dito dahil sa fact na yun, tama ka. Bias nga ako. Eh ano naman? Isa pang paglilinaw: “bato-bato sa langit, ang tamaan, bahala ka na sa buhay mo (kung magagalit ka o dedma ka lang).”

Remember: Love life is not the only kind of life that should be lived. :-D Meron ka ring family life, student life (kung isa kang estudyante), employee/employer life (kung nagtatrabaho ka), spiritual life, social life, at kung anu-ano pang life. Moreover, your relationship with your significant other (SigOt) is not the only relationship that exists. Meron ka rin namang relationship with other people, tama ba? Lumalabas ka naman ng bahay, hindi ba? So, nakakasalamuha mo ang maraming tao (well, maliban na lang kung paglabas mo ng bahay ay dumidiretso ka sa lugar kung saan naroon yung SigOt mo). Kung agree ka sa mga nasabi ko, ang tanong: Naiintindihan mo ba talaga yung mga yun? Dahil kung oo, hindi ko ma-gets kung bakit kahit naiintindihan mo sya eh hindi mo naman isinasabuhay/isinasapuso. Example, meron ka naman palang spiritual life eh, bakit hindi na kita nakikita sa simbahan? Dati naman lagi kang present. Sabi ng nanay mo, nagdya-jogging ka daw kasama ang iyong SigOt, minsan nasa mall ka naman. Hindi ka pwede mag-jogging/mag-mall ng ibang araw or ibang oras? Nakakalimutan mo na kaya Siya! Remember, Siya ang nagbigay sa’yo ng SigOt mo. Ni dalawin Siya sa bahay Nya para magpasalamat, di mo magawa. Yeah, may iba ka ngang pinagkakaabalahan bukod sa SigOt mo. Tsk! Tsk!

Another thing: diba may tinatawag ding friendship? So, asan na ang mga friends mo? Kilala mo pa ba sila? O kilala ka pa kaya nila? Hmm..

Isa pang point: your love life adds spice to your life. Nakita mo yung keyword? ADDS. At hindi ako naniniwalang may mga bagay talagang kelangang mawala sa buhay mo dahil lang sa may love life ka na. Alam mo yung word na compromise? Ayun. So, bakit parang nababawasan ang hobbies mo? Or bakit hindi mo na ginagawa yung mga bagay na dati mo namang ginagawa? Katulad ng pamumundok, pagtakbo, pag-aaral ng kung anu-ano, pagpunta sa gym, paglalayas, etcetera, etcetera. Madami! Madami ka nang hindi nagagawa. Busy ka na? Saan ka busy????

Eh, masaya ka naman ah.. So, pakiaalam ko, diba? Well, friend, hanggang kelan ka kaya magiging masaya? O para hindi masyadong harsh, kelan ka kaya magsasawa dyan sa ganyang happiness?

Your life does not revolve around other people/person. Ano ka Earth (or kung anumang planeta)? Nagrerevolve ka na tapos nagrorotate pa. Nakakahilo kaya yun. You have your own life so please have a life. You have your own identity. Hindi pwedeng identified ka lang dahil sa SigOt mo. Ayaw mo namang makilala ng ganito diba: “ah si _________, ung asawa/boyfriend/girlfriend ni ___________”?

Paano ka magiging imortal nyan? HIndi ka naman nakapagsulat ng libro. Tapos ang makakaalala lang sa’yo eh yung SigOt mo.

Isa lang ang patutunguhan nito: Wag mong kalimutan ang mga bagay na meron ka na dati pa bago mo pa maging SigOt yang isang tao dyan. Matuto kayong mag-compromise pareho. If you don’t like doing the things that your significant other is doing, then don’t do it. But you can always support him/her. Lastly, learn to trust your SigOt. Baka yan pala ang dahilan kaya wala na kayo parehong ibang buhay at ibang mundong ginagalawan. Ayaw nyong malayo sa isa’t isa kasi natatakot kayong mapunta sya sa iba. Wag kang insecure! Nasa iyo na nga yang taong yan, eh. Magtiwala ka sa kanya at sa sarili mo.

So there. I have written my opinion. What’s yours? ;-)

 

Posted in Uncategorized | Leave a comment