Ang Pagtakbo sa Skyway

Sa kauna-unahang pagkakataon, nakadaan ako sa Skyway.. At hindi ako nakasakay sa bus nun, ha! ^_^

Napakasarap ng feeling (o baka naman masyado lang akong excited na tumakbo dun). Akalin mo ba namang ang first time kong pagdaan dun ay on foot. O diba? Saya lang eh!🙂

Hindi madaling tumakbo ng mas malayo kaysa sa usual na tinatakbo mo.. Nakakabore kaya! Nung nagtetrain ako para  Condura Skyway Marathon, hindi ako nakatakbo man lang ng 15km, hanggang 12km lang ang natakbo ko. Nakakasawa din palang tumakbo sa UP.😀 Kaya naman medyo kabado nung dumating na ang race day. Naisip ko na lang, pwede namang maglakad pag di na kaya (Hahaha!). Mahirap ding mag-train araw-araw, nauubusan ako nang damit, eh!😉 Kaya minsan, thrice a week na lang. Pero keri naman so okay lang.. ^_^

yay! excited na mga tao!
bago ang lahat..

Anyway, dapat pala tungkol ‘to sa Condura run.. ^_^ Well, wala akong kasamang friend na tumakbo nun. I mean, may mga friends akong tatakbo pero iba-iba kami ng distances, eh. Nakita ko na lang sila nung malapit na kami sa finish line. Okay na din siguro yung wala kang kasabay na tumakbo. Minsan kasi, mahirap mag-isip kung okay lang ba silang iwanan mo or ikaw yung iwanan or kelangan talaga sabay kayong tumatakbo. Saka hindi ka rin masyado pressured ( yeah, napepressure ako pag may kasabay akong tumatakbo na friend.. di ko alam kung bakit.. :-/). Tapos, I can listen pa to my favorite songs in my ipod (Oha? Parang ang konyo ng last sentence ko, eh..)

Hindi naman sa pagmamayabang no? Pero swabe lang talaga yung takbo ko. Ang saya-saya ko nung matapos,eh. Sabi nga di ba, “have fun”? Kaya tinodo ko naman yung pagsasaya (oo, todo yun, nagawa ko pang sumayaw habang tumatakbo, eh.. hahaha!) Biruin mo, may energy pa akong pumila sa halos lahat  ng booths para makahingi ng freebies? Hahaha! Yun kaya ang mga motivations ko para marating ang finish line (lalo na yung libreng ice cream.. hehehe!). I enjoyed the run. Sobra! Naka-meet ng new friends tapos may mga nakikipag-appear pa sa’yo. Lahat ng tao were in a exuberant joy, eh! ^_^ Ang saya lang pumalakpak at i-cheer nung mga tao. Ü Lahat ng factors na yan ay nakakaapekto sa pagtakbo mo. Nakakagaan ng feeling yung ganun. Ta’s well-organized yung event (well, at least in my opinion.. kung iba opinion mo eh gumawa ka ng sarili mong  blog para dun, wag mo i-spoil ang mood ng blog ko..  :-/).Ang daming water stations ta’s may portalet pa sa Skyway (yun yun eh!). Oha, san ka pa? ^__^

dora the dolphin😉
freebies!!!😀

Wait! Medyo nagkaproblema rin pala ako nung tumatakbo na. Sumakit kasi yung kanang tagiliran ko at first time mangyari yun (madalas kasi yung sa left side at alam ko naman kung bakit yun sumsakit). KInabahan naman ako, inisip ko baka kung ano na ‘yun. At ganitotalaga yung mga pumasok sa isip ko nung maramdaman ko yun (in chronological order ;-)):

  • shit! bakit?! anung nangayayari?
  • wait lang! kanang side ‘to ah.. appendix ko na ba yung sumasakit???
  • babagalan ko na lang.. (so, binagalan ko nga pero masakit talaga)
  • hala ka! baka sumabog ang appendix ko! oh no!
  • lalakad na lang ako, di naman masamang maglakad (at naglakad na nga ako)

Eventually, after about 500 meters of walking, sinimulan ko uling tumakbo (nagsubside naman yung sakit kasi). Kaso, hindi pa ako nakakatakbo ng isang kilometro, eh sumakit na naman sya. This time, I refused to be stopped! (Naks! Me ganun pa.. :-D) Sabi ko sa sarili ko, “bagalan mo na lang, mawawala rin yan.” Kaso lalong sumakit nung binagalan ko so binilisan ko na lang lalo.. Ayun! Maya-maya, wala na din ulit yung pain. I just maintained my pace hanggang sa umabot sa 10th km marker. After nun, naging maayos na ang pagtakbo ko, wala ng pain or whatever. I was having fun na lang hanggang sa isa-isa kong makita ang mga friends kong tumakbo din. ^_^

rest rest na muna..
napagod sila..😀

So yun nga, masaya naman ako nung Sunday.. Walang “after shock” na pains.. Hahaha!  Hindi siguro ako kinulang sa stretching at sa training na din.. Masaya! Try nyo next year. ^_^ Mahal nga lang registration.. Well, kaya naman sigurong pag-ipunan yun..🙂

O s’ya! See you sa next Condura Skyway (sana pagbigyan pa) Marathon!😀

sariling sikap sa pagkuha ng pic
nakanganga na dahil sa pagod..😀
yey! so proud naman ako.. hihi!😀

About doreengineer

Doreen is more popularly known as Dora, Dors, or sometimes Ma'am Candy to some of her students. She is a free lance Civil Engineer and a full-time Instructor at the Institute of Civil Engineering in UP Diliman. She loves to go out and explore (hence the nick, Dora ;p) and read magazines and books and eat and sleep and eat again and sleep again. ^_^ right now, she's into mountain climbing and running. When she still has time, you'll see her playing Frisbee and tennis or sometimes trying out a menu in new resto.. ^_^ One day, she will conquer the world and learn the cultures of the many countries on earth.
This entry was posted in Takbo and tagged . Bookmark the permalink.

One Response to Ang Pagtakbo sa Skyway

  1. Mel says:

    Gusto ko magtry running pero tamad ako magtrain. Haha!😀 Gujeb, nakapag-10k! Woohoo!😀 Yaan mo next year, baka ganahan ako at ma-try yang takbo-takbo na yan.😛

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s