Inlove ka?

(Pinag-isipan ko talaga kung sa Ingles o sa Tagalog ko ito isusulat. Pero dahil ako ay isang Filipino, Taglish na lang.😀 Pinag-isipan ko din yung pamagat pero dahil napagod na akong mag-isip dahil sa nangyari kagabi so ganyan na lang yan.)

Nais kong linawin na ang blog na ito ay hindi isang pagtuligsa sa mga umiibig, sa may mga asawa/syota/syota-syotaan/kinakasama, o sa may mga significant others (pwede ring insignificant). Ang nais lamang nito ay magtanong (o isulat ang mga opinyon/haka-haka/tanong na nasa aking isipan)  at sana ay mabigyang linaw ang mga bagay-bagay na hindi nga malinaw. At oo, isa nga akong single pero ano naman ang pakiaalam mo sa relationship status ko? Kung iniisip mong maaring maging bias ang nakasulat dito dahil sa fact na yun, tama ka. Bias nga ako. Eh ano naman? Isa pang paglilinaw: “bato-bato sa langit, ang tamaan, bahala ka na sa buhay mo (kung magagalit ka o dedma ka lang).”

Remember: Love life is not the only kind of life that should be lived.😀 Meron ka ring family life, student life (kung isa kang estudyante), employee/employer life (kung nagtatrabaho ka), spiritual life, social life, at kung anu-ano pang life. Moreover, your relationship with your significant other (SigOt) is not the only relationship that exists. Meron ka rin namang relationship with other people, tama ba? Lumalabas ka naman ng bahay, hindi ba? So, nakakasalamuha mo ang maraming tao (well, maliban na lang kung paglabas mo ng bahay ay dumidiretso ka sa lugar kung saan naroon yung SigOt mo). Kung agree ka sa mga nasabi ko, ang tanong: Naiintindihan mo ba talaga yung mga yun? Dahil kung oo, hindi ko ma-gets kung bakit kahit naiintindihan mo sya eh hindi mo naman isinasabuhay/isinasapuso. Example, meron ka naman palang spiritual life eh, bakit hindi na kita nakikita sa simbahan? Dati naman lagi kang present. Sabi ng nanay mo, nagdya-jogging ka daw kasama ang iyong SigOt, minsan nasa mall ka naman. Hindi ka pwede mag-jogging/mag-mall ng ibang araw or ibang oras? Nakakalimutan mo na kaya Siya! Remember, Siya ang nagbigay sa’yo ng SigOt mo. Ni dalawin Siya sa bahay Nya para magpasalamat, di mo magawa. Yeah, may iba ka ngang pinagkakaabalahan bukod sa SigOt mo. Tsk! Tsk!

Another thing: diba may tinatawag ding friendship? So, asan na ang mga friends mo? Kilala mo pa ba sila? O kilala ka pa kaya nila? Hmm..

Isa pang point: your love life adds spice to your life. Nakita mo yung keyword? ADDS. At hindi ako naniniwalang may mga bagay talagang kelangang mawala sa buhay mo dahil lang sa may love life ka na. Alam mo yung word na compromise? Ayun. So, bakit parang nababawasan ang hobbies mo? Or bakit hindi mo na ginagawa yung mga bagay na dati mo namang ginagawa? Katulad ng pamumundok, pagtakbo, pag-aaral ng kung anu-ano, pagpunta sa gym, paglalayas, etcetera, etcetera. Madami! Madami ka nang hindi nagagawa. Busy ka na? Saan ka busy????

Eh, masaya ka naman ah.. So, pakiaalam ko, diba? Well, friend, hanggang kelan ka kaya magiging masaya? O para hindi masyadong harsh, kelan ka kaya magsasawa dyan sa ganyang happiness?

Your life does not revolve around other people/person. Ano ka Earth (or kung anumang planeta)? Nagrerevolve ka na tapos nagrorotate pa. Nakakahilo kaya yun. You have your own life so please have a life. You have your own identity. Hindi pwedeng identified ka lang dahil sa SigOt mo. Ayaw mo namang makilala ng ganito diba: “ah si _________, ung asawa/boyfriend/girlfriend ni ___________”?

Paano ka magiging imortal nyan? HIndi ka naman nakapagsulat ng libro. Tapos ang makakaalala lang sa’yo eh yung SigOt mo.

Isa lang ang patutunguhan nito: Wag mong kalimutan ang mga bagay na meron ka na dati pa bago mo pa maging SigOt yang isang tao dyan. Matuto kayong mag-compromise pareho. If you don’t like doing the things that your significant other is doing, then don’t do it. But you can always support him/her. Lastly, learn to trust your SigOt. Baka yan pala ang dahilan kaya wala na kayo parehong ibang buhay at ibang mundong ginagalawan. Ayaw nyong malayo sa isa’t isa kasi natatakot kayong mapunta sya sa iba. Wag kang insecure! Nasa iyo na nga yang taong yan, eh. Magtiwala ka sa kanya at sa sarili mo.

So there. I have written my opinion. What’s yours?😉

 

About doreengineer

Doreen is more popularly known as Dora, Dors, or sometimes Ma'am Candy to some of her students. She is a free lance Civil Engineer and a full-time Instructor at the Institute of Civil Engineering in UP Diliman. She loves to go out and explore (hence the nick, Dora ;p) and read magazines and books and eat and sleep and eat again and sleep again. ^_^ right now, she's into mountain climbing and running. When she still has time, you'll see her playing Frisbee and tennis or sometimes trying out a menu in new resto.. ^_^ One day, she will conquer the world and learn the cultures of the many countries on earth.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s