Dear UPCAT Taker

Kumusta naman ang pakiramdam mo? Feeling ko, sa mga oras na ‘to ay tulog ka na or nagmumuni-muni.. O kaya nag-rerecall ng mga inaral mo for the exam..πŸ™‚ Feeling ko din, nae-excite ka na kinakabahan.. Sa loob-loob mo siguro, “This is it! I’ll do my best!” May mga pep talk ka pang nalalaman para sa sarili mo. Para ka ng baliw sa kakakausap sa sarili mo para lang palakasin ang iyong loob. Pwede namang yung parents mo mag-pep talk sa’yo.πŸ˜€ Nariyan din na nakahiga ka na pero babangon ka ulit kasi may titingnan kang notes sa reviewer mo. O kaya, paulit-ulit mong ichecheck kung kumpleto na ba yung mga dadalhin mo bukas or sa Linggo. Kakaiba yung feeling, diba? Biro mo, you’re one step closer to fulfilling your dreams! Naks naman!πŸ˜€

Konti lang ang naglalakas-loob na mag-take ng UPCAT. Di ko alam kung bakit. Yung iba, nawawalan agad ng pag-asa eh hindi pa nga sinusubukan. Hindi naman daw sila papasa dun, etc.. Anlabo, diba? ‘Di ba nila alam kung ano ang mga pwedeng mangyari kapag nakapasok sila sa UP?? (Well, baka alam nila kaya they didn’t try na.. :D)

Oh well, eto lang ang ilan sa mga pwede kong maibahagi sa iyo:

1. Matrapik. SOBRA. Kaya kung magpapahatid ka at may sasakyan kayo, wag ka nang mag-expect na maihahatid/maibababa ka sa tapat mismo ng building mo. Lakarin mo na lang. Mas mabilis pa. Saka hassle kaya! Biro mo, you are only given 10 seconds para makababa sa sasakyan? C’mon! Eh, may pep talk pang gagawin yung parents mo sa’yo eh! So, kulang ang 10 seconds. Kung commuter ka, umalis ka ng sobrang aga. Yung tipong, maglalaan ka ng 30 mins-1 hour para lakarin yung building na pupuntahan mo.πŸ˜€

2. Please lang. WAG MONG ISAMA ANG BUONG BARANGAY. Jusme! Dagdag pa sa trapik yan. Di ka pa nga nakakapasa eh. Mag-eexam ka pa lang po, ano!

3. Magdala ka ng madaming pagkain. Sa loob ng limang oras, andun ka lang sa loob ng testing chamber, este room pala. Bawal lumabas. Pero wag naman yung tipong may kanin, ulam, at may dessert ka pa..πŸ˜€ Yung tamang pwedeng nguyain habang nag-eexam ka. Yung hindi messy. Pwede na biscuits or boy bawang. O kaya, peanuts! Brain food yun eh, kelangan yun.πŸ˜€ Don’t worry, maraming pagkain paglabas mo ng building, may mga nagtitinda sa tabi-tabi.πŸ™‚ Hmm.. Wag din pala yung maingay pag nginunguya. Baka makaistorbo ka sa iba.πŸ™‚

4. Mag-CR ka na bago magsimula ang exam. Bakit? Bawal nga lumabas pag nasa loob ka na ng room. Saka sayang sa oras pag lalabas ka pa ng room.

5. Magdala ka ng jacket, baka aircon pala yung room mo. Ang lakas ng aircon sa UP, pramis! Saka payong na rin, baka may bagyo pala ng weekend. Mabuti na yung handa.πŸ™‚

6. SHADE PROPERLY and WISELY. Right-minus-wrong po ang UPCAT. So, mas maigi nang manghula ka kesa wala kang isasagot. Kasi kung blanko yan, edi ibig sabihin, mali din yung sagot mo.πŸ™‚ Malay mo, tama pa pala yung hula mo diba? Merong tinatawag na intelligent guess, gamitin mo yun pag kelangan mo.πŸ˜€ Importanteng madami kang masagutang tama. So, sagutan mo na agad yung mga kaya mong sagutan.

7. Wag kang masyadong aasa. At wag din naman yung tipong para ka nang nawalan ng pag-asa. Yung tama lang. Di ko kayang i-explain kung pano mo gagawin yun… (Seriously, kaunti lang ang pinapalad sa UPCAT. As in KAUNTI lang talaga. Mga 20%? So, just imagine..) Basta wag masyado mag-expect. Ganun naman palagi eh, lahat ng sobra, masama. So, chill ka lang.πŸ™‚

So, there..πŸ™‚ (Wala na akong ibang maisip, eh)

Good luck sa’yo! At God bless!πŸ™‚ Yakang-yaka ‘yan!πŸ™‚

Dating UPCAT taker,

DEC

About doreengineer

Doreen is more popularly known as Dora, Dors, or sometimes Ma'am Candy to some of her students. She is a free lance Civil Engineer and a full-time Instructor at the Institute of Civil Engineering in UP Diliman. She loves to go out and explore (hence the nick, Dora ;p) and read magazines and books and eat and sleep and eat again and sleep again. ^_^ right now, she's into mountain climbing and running. When she still has time, you'll see her playing Frisbee and tennis or sometimes trying out a menu in new resto.. ^_^ One day, she will conquer the world and learn the cultures of the many countries on earth.
This entry was posted in Kahit Ano Lang. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s