Hell Week

Hell Week – ang time kung saan tadtad ng requirements/exams ng subjects nila ang mga estudyante; pwede ding requirements from the orgainzations kung saan sila nag-aapply.. Lahat ng colleges/universities meron nyan, iba-iba nga lang yung intensity at frequency..

May isang kaibigang nagtanong sa akin dati kung anu daw ang pakiramdam ng mga estudyante pag Hell Week sa UP. Sabi ko non, “dude, di kaya ng words i-explain ang Hell Week dun..” Sa UP kasi, di uso yung mga prelims at midterms (at least for most of the major subjects). Meron lang kaming mga long exams at very long exams, saka long quizzes. Akalain mo, iba pa yung long exam sa long quiz. Anlabo, diba?😀 Pero meron kaming final exams. So, possible na hell week mo every week (napakamalas mo naman!) lalo na kung madami ka ring extra curricular activities.

So anung meron pag Hell Week sa UP??? Note that this may also be applicable sa ibang universities. Tulad ng sinabi ko, hindi lang sa UP uso ang hell week.🙂

1. Madaming zombies!!! Naglipana sila sa lahat ng sulok ng UP. Magtago ka na! Dahil wala silang sinasanto! Bawal silang kausapin, biruin, at kung anu-ano pa. Mag-ingat ka pag may makakasalubong kang mga ganyan! Ano itsura nila? Edi mukhang zombie!😀 Mga nanlalalim ang mata, namumula pa. Puyat kasi. They don’t smile, poker face lang. O kaya, game face. Yung tipong handang manakit para lang makapasa sa exam. They don’t talk to anyone but themselves.😀 If you try talking to them, good luck sa’yo. Snob sila sa ganyang mga panahon. They walk like there’s no tomorrow. Sobrang nagmamadali. Naghahabol kasi ng deadline ng papers.😀 If you can look closely, they have blisters on their fingers – kaka-type ng paper.😀 And, don’t try smelling them. Jusme!😀 Yan yung pagkagising, magtu-toothbrush lang, konting ayos ng buhok, okay na, diretso na sa klase. Madalas, mga dormers ang ganyan.😀

1.1 Out-of-this-world students. “yan naman yung mga students na nag-aapply sa mga organizations or nag-a-undergo ng “training” sa isang dormitory. Pag mga ganitong panahon, marami kang makikitang students na “kakaiba” yung mga suot. Merong butterfly, may mermaid (promise, meron! nakakalakad pala sila!), may batman, superman, caterpillar, may eagle, at kung anu-ano pa. Akala mo, nasa ibang dimensyon ka na ng mundo eh! Tapos meron pang naka-bathrobe with matching timba at tabo. O diba, naman? Pumapasok ang mga yan sa klase na ganun ang mga porma. Walang hiya-hiya! Sanay na sanay ang mga tao dito na maka-encounter ng ganun. Wala sila pakels.😀 (Walang basagan ng trip, ikanga. :))

2. Library na parang palengke. During Hell Week, feeling mo ghost town yung tambayan. Lahat ng tao nasa library. Nagkukunwaring busy sa pag-aaral pero yung iba, mga tulog lang talaga.😀 Napaka-ingay sa maliit na discussion room. Feeling mo, the ideas from the students are coming out of their brains. Pero pag sanay kang mag-aral mag-isa, andun ka sa isang sulok ng library, may sarili kang cubicle tapos naka-headset ka pa. ‘Yang yung madadamot na students.😀 Ayaw i-share ang kanilang nalalaman kasi baka mas mataasan sila sa exam nung tuturuan nila.😀

3. Fast food chains na madaming mga tao pero walang masyadong kinikita.😀 Dahil may closing time ang library, lumilipat ang karamihang estudyante sa McDo, Jollibee, Starbucks (kung gusto mo sosy ang dating), etc. Ang siste, may 5 magkaklase ang papasok sa kainan pero isa lang oorder sa kanila.😀 Tapos hanggang forever na sila dun. Hindi pa nila ipapaligpit yung pinagkainan para kunyari may order pa rin sila.😀

4. Boarding houses/apartments na parang evacuation center sa dami ng tao. Dahil sanay ang karamihan sa group study, madalas na nakikitambay sila sa bahay ng isang kaibigan para dun mag-aral at magdiskusyon. Mas komportable kasi kaysa sa library or fast food chain or sa tambayan. :)Karamihan ng estudyante, mga isang linggong hindi uuwi ng bahay at sa kung kani-kaninong bahay nakikitulog. Kasi nga, nag-rereview.🙂 Andyan din yung may mga apartment na for boys (girls) only – kahit bisita lang, bawal opposite sex – pero marami kang makikitang babae (lalake).😀 Pano nakakapuslit/nakakatago yung mga yun? Those are trade secrets.😀 Can’t be told, baka merong makabasang kinauukulan.😀

5. Magulong faculty room.🙂 Magulo as in MAGULO. Madaming tambak na papers sa mga desks ng prof mo kasi madami pa silang iche-check na papers/exams. Sa mga panahong din ito, bawal makipagtawaran sa teacher ng deadline for submissions of whatever it is that you have to submit. Hinding hindi ka nila pagbibigyan.😀 Busy kaya sila, they don’t have time for your whines.😀

May i-share lang ako. Isang pinakamatinding hell week na naranasan ko ay nung 4th year college. I had four exams in one day – three final exams and one long exam. Biro mo nagkasya yung apat na subjects sa isang araw?? Yun talaga yung tipong ihi na lang yung pahinga mo. GRABE! Words are not enough to explain what I felt during those times. Tapos your teachers would just say, “welcome to UP” pag nagreklamo ka na sabay-sabay yung exams mo, na pwede bang ilipat na lang ng schedule yung exam. Ayos!

Basta! Yun na yun! Ganyan pag hell week. Para ka talagang nasa impyerno tapos sisihin mo pa ang sarili mo o yung parents mo kung bakit sa UP ka pa nag-aral. Sabi naman sa’yo eh, madaling makapasok sa UP, mahirap makalabas. (Tingnan mo nga ako, hanggang ngayon andito pa! :D)

About doreengineer

Doreen is more popularly known as Dora, Dors, or sometimes Ma'am Candy to some of her students. She is a free lance Civil Engineer and a full-time Instructor at the Institute of Civil Engineering in UP Diliman. She loves to go out and explore (hence the nick, Dora ;p) and read magazines and books and eat and sleep and eat again and sleep again. ^_^ right now, she's into mountain climbing and running. When she still has time, you'll see her playing Frisbee and tennis or sometimes trying out a menu in new resto.. ^_^ One day, she will conquer the world and learn the cultures of the many countries on earth.
This entry was posted in Kahit Ano Lang. Bookmark the permalink.

2 Responses to Hell Week

  1. isang nakakatuwang habit during hell week eh ang pagsasabi ng mga estudyante na “matapos lang tong week na to masaya na ko…”, pero sasabihin uli nila yan next week and hanggang matapos ang sem🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s