Isa Akong Filipino

Sa kagustuhang maging internasyunal ang  blog na ginagawa ay pinilit ng awtor na magsulat sa Ingles. Ngunit, di nagtagal, napagtanto nya na wala namang nagbabasa ng blog nya kundi ang mga kapwa nya Filipino (o may nagbabasa nga ba?). Kaya bakit hindi na lang sa Tagalog nya isulat ang mga nais nyang sabihin, hindi ba? ^_^

Pero kung iisipin mo, medyo nakakapagod magsulat sa Tagalog. Mahahaba kasi ang ating mga salita kesa sa wikang Ingles. Isa pa, kung ganitong klaseng Tagalog ang mababasa mo, masisiyahan ka ba?🙂

Ngunit kung iyong pakaiisipin, may mga bagay na mas magandang sabihin o isulat sa sarili mong wika. Mas naipaparating mo ang iyong mensahe sa paraang madaling maintindihan. Mas maraming tao ang maabot ng iyong mga isinusulat. Mas mailalabas mo ang iyong saloobin dahil hindi mo na kailangang “maghanap” ng naaangkop na salita para sa totoong nararamdaman mo. Ito ay sa kadahilanang pamilyar ka na sa mga salitang ginagamit sa sarili mong wika.

Ngunit, aaminin kong hindi ganitong klaseng Tagalog ang  nais kong gamitin para sa aking blog (ni hindi ko nga alam ang Tagalog ng blog, eh.. ;-)). Itong binabasa mo ay isa lamang pagtatangka para makasulat gamit ang “malalim” na Tagalog. Pero mahirap talaga kaya sana huwag naman akong batikusin ng ibang tao kung hindi umaabot sa pamantayan ng wikang Tagalog ang aking isinusulat.. ^_^

Isa lamang ang maipapangako ko: magbibigay ako ng anumang uri ng kasiyahan na makukuha mo sa pagbabasa ng isang blog, maging ito man ay nakasulat sa malalim na Tagalog, sa Ingles, sa Tagalog/Ingles na ginagamit natin sa pakikipag-usap sa araw-araw. Sana masiyahan ka. ^_^

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s